Home » Post Item » Tambay
Tambay
May 14, 2010Officially unemplyoed na nga ako, tambay for short.mag 2 months na akong nag-aantay ng TOR ko kasi mahirap mag-apply kung wala nun. Salamat sa registrar ng school namin na inuna pa ang mga grumaduate sa ibang kursong magtetake daw ng board exam.duh. As if naman lahat ng grumaduate ng nursing kukuha agad ng board. Halos kalahati kaya ang nag-aantay ng at least 6 months bago kumuha ng board exam.
Back to original topic. Tambay ako hindi dahil ginusto ko, tambay ako dahil wala akong choice. ahehehhehe. Pwede naman mag apply sa mga kumpanya kahit walang TOR eh. Kaso nga lang mas mababa ang chance na mailagay ka sa mas mataas na posisyon. Mas mababa rin ang chance na makakuha ka ng trabaho sa kumpanyang inaaplayan mo. Mas mababa rin ang chance na magkakaroon ka ng gana na mag-apply ng trabaho dahil wala yung mga papeles na maipagmamalaki mo.
Yup, halata naman siguro sa kung papaano ako magsulat na hindi ako belong sa mga over-acheivers.ahehehe . Pero kahit na, tulad rin nila’y pinaghirapan ko rin ang makarating sa punto magrerenta ka ng toga at isasauli mo na 3 days after ng graduation mo kung ayaw mo ng penalty.
Speaking of TOR, hehehe, natatawa ako sa TOR ko. May dalawang pula at maraming pakpak. Pero sabi naman nila, hindi naman importante yun eh. Hindi importante kung puro uno ang grades mo. Dumaan rin naman daw sa pagkaestudyante ang tumitingin sa TOR mo, alam nilang may mga estudyanteng masipag, natural na magaling atmeron yung mga katulad ko na tamad sa school-works.
Back to tambay…
6 years ako sa college, marami sa mga naging kaklase ko ay naging tambay na lang. Ang iba, hindi man nila ginusto ay wala na rin silang magagawa. Ang iba dahil sa problema sa pera, ang iba sa pamilya at ang iba dahil sa crush nilang binasted sila. ahehehhehe
Kung inaakala niyong ang itsura ng mga tambay ay yung mga walang ligo, may hawak na sigarilyo at beer tapos naglalaro ng baraha sa kanto.tama kayo. Pero meron ring mga sosyal na tambay, at mga edukadong tambay. Yun tipong mga anak ng kung sino na nag-aaral daw pero tambay lang pala sa labas ng school nila.. Heavy ang get-up na parang may magazine pictorial . Hindi sila katulad ng mga ordinaryong tambay dahil puno ang wallet nila ng atm card at pera. Meron rin yung mga edukadong tambay. Sila yung mga tipong nagtatagal talaga ng husto sa kanilang school, hindi dahil bobo sila kundi dahil dinadrop nila ang bawat subject na ayaw nila ang proffessor dahil siguro masungit, nang-iinsulto o nagpapaligo ng laway sa estudyante. Maraming ganitong klaseng tambay na talagang matalino. Sayang nga lang dahil sa graduation nila ay hindi man lang naa-aknowledge ng school ang true potential nila.
Pero meron rin yung mga classic na tambay. yung mga tipong lasenggero, sugarol, chain smoker, at mukhang mabaho. Sila yung mga nawalan na ng pag-asa sa buhay o tamad lang hanapin ang bagay na ikaliligaya nila…
hay naku. tambay na ako for 2 months.sayang ang time…
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


