Home » Post Item » Clearance,Application Letter, Resume,TOR
Clearance,Application Letter, Resume,TOR
April 17, 2010Simula nung huling post ko, naging busy na ako sa pag-alala sa mga kailangan ko para magkatrabaho. Una. Kailangang ko muna tapusin ang clearance ko sa school.Ang clearance ang nag-iisang proof na nabayaran mo na lahat ng binasag mong laboratory equipment. HIndi naman mahirap gawin toh. Nakaka-asar lang talaga kasi hindi tugma ang mga schedule ng mga tao kung kanino ako magpapasign. maiintindihan rin naman namin dahil summer ngayon. Pangalawa. Ang TOR, nakakainis man na hindi namin agad-agad makukuha ang TOR namin dahil hindi pa nailagay ang mga grades sa main system ng school. Inuna daw kasi yung mga magtake ng board exams. Unfair man dahil hindi naman lahat ng grumaduate ay kukuha agad ng board exams, wala na kaming magagawa kundi ang kulitin ang registrar sa school na pakiusapan ang nag-eencode ng mga grades na unahin rin ang sa amin(humanda xa, pangungulit to the highest degree). Kailangan ko na rin gumawa ng matinong Resume at Application Letter. Inikot ko na ata ang internet para makakita ng magandang mga sample. Para sa Resume na Curriculum Vitae ang tawag ng mga maaarte, pwede palang gumawa ka na lang ng account sa mga sites tulad ng JobsDB.com o Jobstreet.com. Ang problema ngayong eh ang application letter, maraming klase ng application letter sa internet ngayon. Cover letter ang tawag nila. Andaming dapat ilagay at andaming hindi rin dapat. Ayos lang, hindi naman ako pinapamadali ng parents ko eh. May mga seminar pa rin akong dapat puntahan para pandagdag. Nakuha ko na rin ang CoE(certificate of Eligibility) ko sa Civil service commission na napakalayo ng office. Hehehehe.Isang nakakatawang 81% angrating ko(80% ang passing) hehehehe. Kailangan ko muna tapusin ang application letter ko at resume kasi marami pa ring dapat ayusin. Till next post.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


